<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d6521743590175721323\x26blogName\x3dThe+Wild+Bees.\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://thewildbees.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttps://thewildbees.blogspot.com/\x26vt\x3d-5678797861734984536', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Wednesday, April 8, 2009

ANG ALAMAT NG MGA BUBUYOG

WANSAPANATAYM, Sa silid-aralan 302 ng Stella Maris College, nagsama-sama ang mga bubuyog na sinapian ng mga masasamang ispirito. Nagkaroon sila ng lider na tinawag nilang Gng. Servando. At MAPAGPATAWAD daw sila. Palagi silang kinagagalitan pero hindi sila nakikinig. Kailangan daw nilang makialam sa mga bagay-bagay. Nge! Mga alaskador sila. Mahilig mag-dota, mahilig magkulot ng buhok, mahilig kumain ng Cornetto. Masaya naman silang kasama. Palatawa nga sila eh. Kaya lang tawa nga sila ng tawa. ;)


Ang mga bubuyog ay may iba’t ibang katangian. May mga hindi malaman kung ano ang kasarian nila tulad nina Kristian at Kathryne. Mga pasaway na mukhang kitikiti tulad nina Tristan, Manuel(na napakahilig sa Cream-O), Piccolo at Jason Meron ring matahimik na tumutulo na ang laway nila tulad nina Patricia at Trisha. May mga bubuyog ring anak ng militar tulad nina Chariss at Mona Lisa. Si Yetzak daw, pinakasexy na general. Sinong naniniwala? Merong masusunuring tagasaway at tagalista katulad nina Althea at Daren. Si Don Darick, na nangangarap maging playboy at pinoprotestang may girlfriend na daw siya. Makikita mong naglalaro ng baraha si Katherine at Crystal tuwing alas dose ng tanghali. At may mga napakagaling kumanta (pero mas magaling pa rin si Charice Pempengco) na tinatawag na Eunice at JeeanaMeron pa! Sina Jimzel at Lloyd, mga henyong dapat nakagradweyt na ng kolehiyo. Si Lalaina, isang adik sa isang Amerikanong idolo. Meron ring matatamis katulad nina Jemimah, Aireen at Hannah. May mga tangengot na nakainom ata ng melamine na sina Kristian, Jany Lou at Nadine. Mahihilig sa anime na nagngangalang Katrina, Rachel at marami pang iba. May mga napagtritripan rin ng ibang bubuyog. Itago na lang natin sila sa pangalang Anika, Don Darick, Angela, Daren at kung sinu-sino pa. May mahilig sa musika. Justine ang pangalan niya. Si Don James na tinitilian ng mga babaeng parang nakawala sa presinto. Merong mga hindi katangkaran pero mabagsik, si Chona at si Jennelyn. Nagpapasalamat ang mga bubuyog kay Don Darick dahil sa hindi niya paglilinis, kaya siya na ang tagabura ng pisara. Kay Veronica sa walang sawang nag-aayos ng mga board sa silid at kay Nadine na tatamad-tamad pero nabibigyan pa rin ng oras ang pagaayos ng kaibigan-ster ng mga bubuyog.

Sa lahat ng hindi nabangit sa mga kakaibang katangian ng mga bubuyog, hindi pa rin kayo nalilimutan at hindi pa rin kayo makakaligtas kay Chona, chikadora.

Mahahalagang pangyayari sa mga bubuyog ang Hunyo 10, umpisa ng kanilang pag-aaral at ito rin ang kaarawan ni Anika. Setyembre 18, ang rekoleksyon nila. Ewan ko lang kung may natutunan sila. Oktubre 25, umindak sila sa kanilang orihinal na kanta. (Hindi naman sila gumawa ‘non eh.) Disyembre 14, ang kanilang araw ng pamilya. Kumalat ang polvoron sa sahig. Disyembre 17 at 19 kung kelan nakwestyon ang kasarian ni Piccolo at ni Tristan nang magsuot sila ng pambabaeng damit. Enero 23-25, ng natulog ang ibang bubuyog sa isang paaralan at ang mga lalaki ay naligo sabay-sabay. Enero 28, nang naging Diyos si Tristan at naging tao si Kristian sa kanilang duladulaan. Enero 31, nang nagwapuhan si Jemimah kay Kuya Mikee at kumain si Jany Lou ng menudo. Marso 5, Ang pagsusulit nilang NAT. Pagkatapos ng araw na ito, doon pa lang sila nagsimulang mag-aral para sa pinakahuling eksaminasyon. Dumating din ang pinakahihintay nila! Ang eksaminasyon. Marso 9-11, nang dumugo ng lubusan ang kanilang mga utak. Hindi ko alam ang nangyari noong Marso 12 at 13 dahil nakalimutan ko na. Naging masaya sila nang wala silang pasok noong Marso 16, 17 at 18 dahil hindi naman sila kailangan at siguradong tatamarin sila pumasok dahil wala na naming gagawin eh. Marso 19. Araw na wala silang ginawa kundi magdaldalan, maglaro ng basketbol gamit ang napakaliit na basketbol at net ni Tristan. Nasira nga ata., kumopya ng kanta para sa graduation, maglagay ng uling sa mukha at kung ano ano pang hindi nila magawa kapag may gurong sumasaway. Marso 20, Huling araw (hindi talaga) nila. Nagsulatan sila sa mga papel tungkol sa katangian ng kaklase nila. May mga nanginsulto, may umiyak, may nagpasulat uli (saying sa tinta ng bolpen). May tatlong bubuyog pang nakita ang kanila paboritong guro na nadapa sa hagdanan. Pinagtawanan nila. Wala naming umiyak. Meron nga ba? Marso 23. Unang araw ng pagsanay nila para sa graduation. Nagulat ang iba ng si Sir domique ang magtutugtog ng piano at magtuturo ng kanta. Hindi nga makakanta. Ganito ang nangyari hanggang Marso 26. Marso 25. napili sila upang makinig sa magdedemo. Nang wala pa ang mga guro at ang madre, kung ikaw ay nagsalita ng malakas, i-booboo ka ng mga bubuyog. Para bang reunion ang nangyari. Kinabukasa, Marso 26, Sinabi ang mga honor. Magsaya tayo dahil pinakamaraming honor ay galling sa seksyong ito. Nandyan ang valedictoriang si bubuyog Jimzel, salulatoriang si bubuyog Nadine, 1st honorable mention na si Daren, 2nd honorable mention na si Althea at marami pang iba. Paulit-ulit napagalitan ng mga guro dahil sa pagsayaw habang nagmamartsa, lumulusot sa pagmamartsa pagnaka-bow na, mahinang pagkanta at ang hindi kamatayan daldalan. Nagkaroon uli ng praktis noong Marso 30. Syempre! Ganun pa rin! At napakanta pa si Yetzak at si Don Darick sa harapan. Dapat pupunta ang ibang bubuyog sa bahay nila Althea noong Abril 1 kaso nga lang, nagkaroon uli ng praktis. Panghapon ang praktis noong Abril 2. Umulan pa nga eh. Abril 3. walang praktis. Ayan na, ang huling araw bilang mag-aaral sa mababang paaralang ng Stella Maris College. Umulan pero tumila rin. Ang daming nagiyakan. Marami rin naming natuwa dahil hindi na nila kailangang magaral o mangopya, bakasyon na eh. Huling pagtitipon ng mga bubuyog. Lilipad na sila.

Galit ang mga bubuyog sa mga pusang gaya-gaya. Kaya mag-ingat kayo, baka lusubin kayo ng mga bubuyog. Baka madaganan kayo ni Don Darick!

Lahat ng ito ay kathang-isip lamang at hindi layunin ang makasakit ng damdamin ng tao. Gusto lang naming magpasaya ng tao lalo na ang mga EMO. Ngeee!

BABALA! Kung ikaw ay magbibitaw ng mga salita, ang sasabihin lang ng mga bubuyog sa 'yo, "Boo! Umuwi Ka Na!"


Wednesday, December 17, 2008

We did our dramatizations last December 16-17 2008.

|| Group 1
|| Jimzel, Angela, Patricia, Chona, Lalaina, Elyza, Jennelyn
|| Little Red Riding Hood

|| Group 2
|| Yetzak, Don Darick, Malvin, Lloyd, Don James, Manuel??
|| Pinnochio

|| Group 3
|| Nadine, Jany Lou, Jason, Chariss, Katherine, Crystal, Eunice, Althea, Rachel
|| Snow White and the 7 Dwarfs [Jany White and the 6 Dwarfs]

|| Group 4
|| Kristian, Aireen, Hannah, Jemimah, Stephanie, Jeeana
|| Goldilocks and the 3 Bears

|| Group 5
|| Daren, Trisha, Mona Lisa, Anika, Franchezka, Joyce Ann, Kimberly, Darlene
|| ((forgot the title))

|| Group 6
|| Kathryne, Veronica, Justine, Katrina, Celine, Piccolo, Tristan
|| Sleeping Beauty


Ms. Algarin's Drama Awards

Best Actress: Jeeana [Goldilocks and the 3 bears;; Mama Bear]
Nominees:: Trisha;; Jeeana
Best Actor: Kristian [Goldilocks and the 3 bears;; Papa Bear]
Nominees:: Kristian;; Piccolo;; Jason
Best Costume: Piccolo [Sleeping Beauty;; Princess Aurora;; Girl's Gown(costume)]
Nominees:: Piccolo;; Chona;; Angela
Best Group: Group 3 [Snow White && the 7 Dwarfs;; Jason, Jany Lou, Nadine, Katherine, Eunice, Rachel, Chariss, Crystal && Althea]
Nominees:: Groups 1-6
Best Directress: Kristian [Goldilocks and the 3 bears]
Nominees:: Jimzel;; Yetzak;; Nadine;; Kristian;; Daren&Trisha;; Kathryne

CONGRATS TO ALL! **


Sunday, December 14, 2008

Yeah Woohoo! Superb!
Morning: Nagtagpuang sira ang banner ng 6B at ang banderitas sa classroom. Kami nila Althea, Kristian, Veronica, Yetzak, Jason magkakasama habang nagmamass kasi nakalock ang gates papunta sa classroom. Nakinig nga lang kami sa Ipod, nagasaran at nagdaldalan.. Kami lang maingay sa labas ng auditorium. haha. Tapos nanguha pa kami ng mga offertory.. wahahaha.. tapos finally bumukas na yung gates!!!! nagkulong na lang kami sa classroom hanggang sa dumami ng yung mga classmates and parents. Nagstart na yung Family Day. Kumanta yung Sweets ng Just Stand Up. Sumayaw sila Althea, Eunice, Veronica, Elyza, Chona at Jennelyn ng In The Ayer. LOL. Tapos naggame na. Longest Line. Nung una maggulo. Tapos we managed to be happy but not wild. [hi ms. algarin! ;))] Nanalo RT 2. [Kami yun!] Tapos naglaro yung parents ng Are You Smarter Than A 6th Grader nanalo si Maj Romero PA. Tapos kumain na ang mga tao. Tama ba????? Tapos naggames na ulit basta.. Nagpolvoron tongue twister nanalo girls kasama si Kristian. Naghephep hooray host si Maj. Romero PA na nanalo si Eunice Sexy. ;)) Tapos nagskit na yug boys.. tapos naggames pa ng iba tapos ng Kinabukasan tapos uwian na.. Tama ba yan?? basta!!!!!!!!! Thanks sa lahat ng dumating!!!!!!!! ;))


Incomplete video ng Boys' Skit:



Tuesday, December 9, 2008

Hi bees! I made polls! Answer kayo! ;)

Who is the funniest Wild Bee??

Kristian
Yetzak
Tristan
Jason
Piccolo
Jany Lou


Who is the smartest Wild Bee??

Jimzel
Justine
Althea
Nadine
Rachel
Anika
Lloyd
Daren
Katherine
Chariss
Crystal


Who's the noisiest Wild Bee??

Kristian
Jason
Manuel
Tristan
Malvin
Yetzak
Piccolo
Don Darick


Mga tao! Bukas ko na lang ilalagay
yung iba.. Lazy mii. Stupiiiid me. ;)


Saturday, December 6, 2008

Hay naku. Ang daming absent today. May mga nag daily uniform, PE and batch tshirt. Wala kaming ginawa. Alam na namin results ng exam namin sa Filipino. Highest: Katherine Rabe. Woohoo! ;] 12 kami umuwi. May dramatization tayo sa Reading. By friends don't worry. Sa amin [Jany Lou, Katherine, Chariss, Jason, Althea, Nadine, Eunice, Crystal and Rachel] Jany White and the 6 Dwarfs. haha. !! Nakakaboring. Promise. :]]


Friday, December 5, 2008

OMGEE.
The exams were very tough. Celebrate na kayo! Computer!TV!PSP!WII!
Yes! Tuwa na ang mga bees! Tapos na ang madidilim nating araw! Sorry na lang tayo there's still a trimester before we graduate.. Whatever.

Deadline of bayads:
December 10, 2008 - Family day food payment
[magbayad na kayo!]
yun lang.

Mga no reply slip dyan: Ibigay niyo na! I beg you! Kalatkalat na blackboard natin!

Tomorrow.. Aayusin and mga boards.. Christmas! Yung stars!
c/o Anika and Jimzel.

Family Day: December 14,2008
Magdadala ako ng camera para may pics para sa fs natin.
MAGDALA RIN KAYO!

Last school day ng 2008: December 19.
Haayy salamat. Di ko na makikita ang mga bubuyog. Joke!

Good luck sa SCORES NIYO! :]]


Tuesday, December 2, 2008

Sorry for my late update.
Anyway. Here's our 2nd Trimester exam sched:
December 3, 2008: Science and Filipino
December 4, 2008: AP and Math
December 5, 2008: Reading, Language and CL
May pasok tayo ng Saturday everyone!
PE or Daily?? It's up to you.
Good luck sa scores niyo!!


profile.


TheWildBees.
Party hard, rock 'n roll, We're the class you can't control!

Hello world!

This is the 6B Mapagpatawad site. Fondly known as the Wild Bees! :]]
We currently study in Stella Maris College. Our lovely adviser is Mrs. Servando.

We're destined for greatness
and made to shine
We are the class of 2009.

Star Section. LOL. ASTiiG. Crazy. Loud. Unbeareable. Despicable. Unforgettable. Original. Goofy. Insane.

Most of the honor students are on 6B. Most of the noisiest pupils are on 6B.

We love chaos and catastrophe. Riot!

That's basically us. We rock. Oh yes we do!
We freakin' hate COPYCATS.

That's just the way we roll.

Our Friendster



tagboard.



CLICKS.

*Yellow names: w/ Friendster.
*White names: w/o Friendster.

Manuel. | Don Darick. | Jason. | Kristian. | Piccolo. | Tristan. | Malvin. | Yetzak. | Don James. | Lloyd.

Lalaina.| Kimberly.| Daren.| Chona. | Angela.| Patricia. | Monalisa. | Jeeana. | Katrina. | Steph. | Darlene. | Kathryne. | Trisha. | Hannah. | Veronica. | Rachel. | Franchezka. | Eunice. | Justine. | Nadine. | Jany Lou. | Crystal. | Elyza. | Joyce. | Jennelyn. | Aireen. | Anika. | Katherine. | Chariss. | Jemimah. | Jimzel. | Althea. | Celine.

credits.